Friday, April 01, 2005
2:16 PM
Ang sabi ng kahapon...
Nakita ko ulit siya.
Pero sabi ng kahapon
hindi nya na uulitin ang sarili nya
para lang masaktan uli ako.
Nalungkot ako dahil sa kabutihan nya.
Nasaktan ako lalo dahil hindi na talaga puede.
Gusto kong magpumilit,
Ipakita sa kanya na handa ako
Kung para lang sa kanya.
Pero sa korte nya, bawal talaga.
Umiyak ako. Ulit. Akala ko hindi na uli
Ako mapapaiyak ng kahit ano,
O ng kahit sino ng ganito.
Pero naging parang tubig nanaman.
Patak.
Ng patak.
Ng patak.
Nasasaktan ako, hindi mo ba nakikita?
Pero tumalikod lang ang nakaraan.
At nagsimulang maglakad.
Papalayo.
Gusto kong humabol.
Pero sa isang iglap, nawala na siya.
Iniwan nya na talaga ako.
Hindi na nga siguro talaga puede.
Kahit ano pang pilit ko.
Gusto ko, pero may sarili na siyang mundo.
At hindi ako makapasok kahit malaki ang pinto.
Hindi ko parin matanggap.
Pero sabi ng nakita kong isang henyo
Na matagumpay na nabigo
Na siyang tumatawa habang gumigibik ang puso
At na siyang pumasok
at kinausap ako sa panaginip,
Na hindi na talaga papayag ang kahapon.
Dumaan na ang nakaraan.
At hindi na ito muling mangyayari.
Ganon pala talaga.
Laban ako ng laban.
Pero hanggang pangarap lang pala ang tagumpay.
Kaya bibitaw na ko.
Mataas na ang pagkakatangay sakin.
Kaya masakit sigurado ang pagbagsak.
Pero mas masasaktan ako
Kung kakapit pa ko ng patuloy.
Kasi kahit ano pang mangyari,
Hindi na talaga maari.
Hindi na.
Yun ang sabi ng kahapon.
"Ooops... Just kidding aside..." - Ms. B
Ma-guilty ang dapat ma-guilty
- "We can never can tell"
- "Anong edge mo?" ans: "ah, edge? 17."
- "Before I forgot"
- "I'm happy to inform you that we will have no water tonight"
- "The more the manier!"
- "My left hands" - Tracy torres
- "Paglaki ko gusto ko maging management." - starlet, pangarap nya
daw
- "My one hotels" - Jc Castro
- "The movie is director by..." - Melanie Marquez
- "You're barking at the wrong dog"
- "The sky's the langit"
- "Birds of the same feather, are of the same species"
- "The family that prays together, has only one rosary"
- "It's the count that thoughts"
- "It's a base-to-base casis"
- student: "Ms, i have a new blue swimsuit."
teacher: "Talaga?? what color?"
- teacher (raging): "Pray the angelus!"
students: "Angel of God..."
- "Shux! cno nga ba un? Na-mental blockout na naman ako.."
- girl1: "Sarap.. san mo binili?"
girl2: "Ang kulet! sa french bakery nga.."
- maid: "Atee, nagbrown out ung tubig... (HUH??!)
SELF-DECEPTION